Litratong Pinoy #36: (taga-) LINIS (Cleaner)

Humanga ako sa kalinisan ng kapaligiran, lalo na sa rural areas, sa Japan noong minsa’y nakabisita ako doon. Talagang seryoso nilang sinusunod ang pagiging clean and green. Sa syudad naman, napagawi ako sa Asakusa district ng Tokyo, kilala bilang entertainment district ng mga Hapon. Dito makikita ang maraming entertainment venues tulad ng mga parks, shopping arcades, pachinko parlors, traditional Japanese music and kabuki halls at meron ding Western opera, at iba’t-ibang klaseng strip shows/seedy clubs. Sa gabi ay nagkikislapan ang iba’t-ibang makukulay na ilaw at nakakabinging tugtog na nagmumula sa mga tugtog at barkers na nagsasapawan (halos mapigtas ang kanilang ugat sa leeg) upang manghikayat o mang-akit ng maraming customers.

Pagbalik namin sa umaga, ay ibang eksena ang bumulaga sa amin. Sarado ang halos lahat ng clubs at pachinko parlors, tahimik at may iilang turistang ang naglalakad at nagmamasid-masid.

taga-linis

Sa isang dako ay napansin ko ang mamang ito. Di ko akalain na ang siya pala ay taga-linis sa lugar na iyon. Parang Metro Aide sa atin. Ang kaibahan lang niya sa Metro Aide ay may pasan siya sa balikat ng dalawang drawer (gamit ang mahabang kahoy) kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit-panglinis. Di rin halata ang kanyang dala-dalang walis at dustpan. Kung inyong mapapansin (please click to enlarge the pic) ay meron siyang parang prosthetic sa ulo para mag-mukhang nauupaw siya. Bahagi pa pala ito ng gimik sa Asakusa.

taga-linis close up

Litratong Pinoy #24: Puso (heart)

Heto po ang lahok kong puso para sa linggong ito:

LP Puso (Heart)

Bigay ni mahal. Hindi yung artista, ha!
Si Mahal ba, yung taong mahal ko at minamahal ako. Yaiikkss! Kurni. Ayaw ko ng red roses, at lalong ayaw ko ng stuffed toys. Higit sa lahat, ayaw na ayaw ko sa mga bagay na hugis puso – pwera na lamang kung ito ay tsokolate. Pero itong isang pusong ito ang hindi ko matanggihan 🙂

Photo-hunt #39: Bridge

PH Bridge - Panay Bridge
Panay Bridge
Roxas City, Capiz
Philippines

Panay Bridge is one of the enduring landmarks in my hometown of Roxas City. It was built in 1910 but despite the long years and the many typhoons that hit the city, the bridge remains standing and as strong as ever. The bridge connects the main streets to the city’s commercial area and the gateway to most of the municipalities of Capiz province.

*NB. I was told that the bridge is now known as the Roxas City Bridge.

Wordless Wednesday #62: Dead tree?

bare tree
Taken in Kep, on our way to Vanna’s Guesthouse

I was walking one fine summer afternoon with my husband when I caught a glimpse of this dead tree, devoid of leaves, and its branches jutting out to the sky. The sun was still minutes away from setting and the light seemed to give it a strange glow. While the other trees that surround it were leafy and green, this one stubbornly stood out and I said to myself – what a lonely tree.

More Wordless entries here.

Wordless Wednesday #61: View from my office

bokor mountain

This was the view from my room-cum-office at the Kep guesthouse where I used to stay. There, my husband and I watched the calm waters of the Gulf of Thailand and the looming Phnom (mountain) Bokor. On lazy days, we brought out our hammocks and enjoyed the view, with the cool mountain breeze lulling us to sleep.

Litratong Pinoy #16: Kinagisnan

Ang sineguelas… bow!

Scientific name: Spondias purpurea. Kilala ito sa iba’t-ibang pangalan: Jocote, o ciruela, sa Central America; Hog plum, red mombin, purple mombin sa wikang Ingles; sineguelas, o sinegwelas, sa wikang Tagalog. Pero para sa aming mga Ilonggo, sargwelas ang tawag namin dito.

sineguelas

Kung sa Amerika at Canada ay kinagawian na ang apple-picking, sa amin naman sa Roxas City ay pinanabikan namin ang pagdating ng summer dahil nakagisnan na namin ang mag-sargwelas picking! Tuwing sasapit ang summer, kami ay nagbabakasyon sa Mambusao sa mga kamag-anak ng tatay ko. Marami kaming kamag-anak doon subalit sa isang paborito naming Tiyo kami palagi pumupunta. Ang bahay niya ay luma na at gawa sa bato at ito ay napapaligiran ng iba’t-ibang fruit trees. May langka, balimbing, abokado, mangga, star apple, kamyas, papaya, sargwelas, lansones at iba pa.

Hindi naman matataas ang puno ng sargwelas kaya hinahayaan kaming akyatin ito upang mapitas ang bunga. Subalit ang puno ng sargwelas ay may kakaibang katangian. Kapag ito ay namumunga na, nalalagas ang dahon at nagmumukhang tuyot na para bang patay na ang puno. Kaya minsan natatakot din kaming umakyat sa puno kaya gumagamit na lang kami ng singit* para makuha ang bunga.

sineguelas2

Karaniwang kinakain kung manibalang na ang sargwelas na sinasawsaw sa asin. Matamis, malutong kung kagatin at may woody flavor ito. Pero para sa amin, ito ay parang mansanas na rin. Ako naman, dahil may ka-weirduhan, sinasawsaw ko ito sa sukang may toyo. Hmmm, kanamit!

*Oist, bago kayo mag-isip ng hindi tama, let me explain. Singit (mabilis ang pagbikas) ang tawag naming mga Ilonggo sa sungkit!

Litratong Pinoy #15: Maalaala Mo Kaya?

70shair

Ang original na samahan ng mga Mister Suave (at ang kanilang kyut na kyut na mutya) Roxas City Chapter, dekada ’70!

At eto naman ang sagot ko sa mga tanong ni Teacher Julie:

1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV? McGyver, The Highlander series, Analisa
2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula? Julie Vega
3.. Ano ang paborito mong meryenda? Turon at coke
4.. Ano ang paborito mong babasahin? Funny Komiks at Pambata magazine
5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? Carol’s Square and Bazaar
6.. Sino ang iyong pers crush? Lyndon Valmoria
7.. Sino ang iyong best prend? Adonna Llames
8.. Sino ang iyong paboritong guro? Mrs. Diestro and Mrs. Magdalena Begaso
9.. Ano ang iyong paboritong laro? Game and Watch (octopus at Popeye) tsaka yung larong habulan na Monkey, monkey, Annabelle
10.. Meron ba kayong alagang hayop noon? Si Aringkingking (uso itong kanta nuon), Kagta, at si Lagsa, ang mga pangalan ng dalawang nahuli ay Ilonggo term for kagatin at habulin *lol*

Litratong Pinoy #8: Ang Mahiwagang Takip-silim sa Dalampasigan ng Kep

Paumanhin po at late na naman ako ngayong Huwebes. Nag-i-inarte na naman kaya ang internet connection dito sa amin.

Noong 2006, ako po ay tumira sa bayan ng Kep, 178kms ang layo mula sa syudad ng Phnom Penh. Dito, kasama ng aking asawa at alagang aso, kami ay nanirahan ng mahigit sa apat na buwan.

Ang mga sumusunod ay kuha sa dalampasigan ng Kep. Para sa akin, dito na yata matatagpuan ang pinaka-magandang takip-silim sa buong Cambodia.

Kep sunset from Vanna's
Ito ang matatanaw mula sa kwartong inuupahan namin noon. Ang islang nasa background ay tinatawag na Phu Quoc at pag-aari na ng bansang Vietnam. Subalit ang mumunting isla sa gawing kaliwa ay pag-aari pa ng Cambodia at ito ay binansagan naming population one island dahil sa iisa lang po ang nakatira diyan at ito ay ang pulis na nagbabantay dito.

fishing boat
Kapag kami ay bababa patungong Psah Khdam (crab market), ito naman ang aming nakikita. Mga bangkang naghahanda sa muling pagpunta sa laot upang manghuli ng isda, alimango, pusit, atbp.

old pier
Ang mga nakausling kahoy na ito ay palatandaan na dito nakalagak ang lumang pier. Dahil sa kalumaan, nasira ito ng magkaroon ng masungit na panahon sa Kep. Dahil sa kakulangan (o kawalan) ng pondo ng pamahalaang lokal, hindi na ito nakumpuni pa.

harvesting crabs
Ang mga babae namang ito ang siyang naglilinis ng mga lalagyan ng kanilang huli. Ang iba riyan ay puno pa ng mga alimango at pusit na naghihintay na ibenta kinabukasan.

pepper squid
Ito naman ang mga sariwang pusit na galing sa itaas na larawan, niluto at naging masarap na pananghalian.

Photo Hunt #24: Hair – The 70s

70shair

I know he would skin me alive when he sees this, but I am posting this anyway. Phnom Penh is thousands of miles away from my hometown of Roxas City (in the Philippines) so I am safe and far from his wrath *lol*. That’s my uncle and his posse, their big hair and side-part are trademark of the 70s. . I am not saying it’s a bad hair as it was the big thing in the 70s… all I am saying is… watta hair!

Photo Hunt #19 – High

In 2004, my husband went on a cycling tour of western Europe starting from his native England, to France, Spain, Portugal and ending at the Rock of Gibraltar. He sent me this photo while he was on a pilgrimage to the Camino de Santiago. This photo was taken in Cebreiro, Spain, in between Ponferrada and Sarria on the Camino de Santiago. It was a tough day for him – a full-day climb, 60 miles from Ponferrada to Sarria, with this hill in between. You can find more on his cycling tour here.