King Sihanouk Abdicates!

Totoo, official na nga ang pag-abdicate ng hari. After so many attempts ay natuloy na rin. Kaya eto ngayon, nagsusunog ng kilay ang mga lawmakers para i-draft ang pinakahihintay na law (Throne Council Law) na nag-a-outline ng selection procedure ng papalit sa hari. Ipinag-uutos din ng batas na ito na sa loob ng 7 araw ay may bago o may napili nang papalit sa namatay o nag-abdicate na reigning na hari. It was hastily passed last Friday lang. Minamadali nga ito kasi kapag walang successor ang king, ay magiging ganap na republika ang Cambodiaa , na siya namang pabor sa kasalukuyang Prime Minister. Pag nagkataon ay magkakagulo na naman (katatapos lang na-solve yung gulo sa election, eto na naman. Kung sakaling maging republika ang Cambodia, ito ay lalabag sa unang chapter ng kanilang Constitution, na nagsasabing (sa wikang Ingles) “… Cambodia is a Kingdom with a King…” Maraming makakating dila ang nagpahayag ng kung ano-ano tungkol dito pero hintaying na lang daw muna ang mga susunod na kaganapan.

At ang 2 sa mga pinagpipilian ay … si Prince Ranariddh at si Prince Sihamoni. Meron pang ibang kandidato na myembro din ng Royal Family, pero silang 2 ang pinakamatunog. Pareho silang anak ng hari magkaiba lang ang nanay. Early on Prince Ranariddh has been telling the media that he’s not interested in becoming the king. Kasi mas type niyang maging pulitiko (siya’y kasalukuyang head ng royalist na FUNCINPEC Party at National Assembly President). Oo nga naman. Wala namang power ang hari e. Sa kabilang banda, walang gaanong impormasyon naman about Prince Sihamoni, except that he’s the former ambassador to UNESCO in Paris. Kumbaga hindi siya masyadong kilala ng tao, pero nakow, mas gwapo si Prince Sihamoni kesa kay Prince Ranariddh.

Dagdag pa ng hari, hindi daw siya uuwi sa Cambodia hangga’t wala pang bagong hari. Sa kasalukuyan ay nagpapagamot sa Beijing, China ang hari kasama ng reyna. Matagal na rin sila duon. Sino kaya sa dalawang prinsipe ang magiging bagong hari ng Cambodia– Ranariddh o Sihamoni? Bakit ganitong pagpapahalaga ang binibigay ng pamahalaan ng Cambodia sa mga royalty? Abangan ang susunod na kabanata…

**
Ang sagwa pag tagalog ano? Been attempting to write a decent blog in Tagalog pero mukhang baluktot talaga ang wordings ko. Pasensha na po. Sa mga gustong bumasa tungkol sa Royal Family ng Cambodia, click lang kayo dito . At sa karagdagang impormasyon tungkol sa balitang ito, click naman kayo dito . Kung gusto niyo namang makilala ang hari ng Cambodia, punta ka dito .