Litratong Pinoy #30: Gusali (Building)

Isa sa mga dahilan kung bakit aliw na aliw akong maglakad sa Phnom Penh ay ang iba’t-ibang eksenang nakikita ko. Katulad na lang ng mga gusali. Pinaghalong luma at bago, French colonial design o Khmer architecture, natatawag ang pansin ng sinumang bumisita sa syudad at di maiwasan ang humanga di lamang sa pagkakagawa sa mga ito, kundi pati na rin sa makulay na istoryang bumabalot dito.

Ang mga sumusunod ay iilan sa mga gusaling nakakatawag ng pansin sa Phnom Penh:

LP Gusali

National Museum ng Cambodia (foreground)
Kuha ito mula sa gusali ng Foreign Correspondents Club, o FCC, dito sa Phnom Penh kung saan kami ay nananghalian minsan kasama ng aking asawa. Dati itong press club na ginawang watering hole/hotel na paboritong puntahan ng mga expats. Dahil sa dami ng tao ay sa may likurang bahagi ng restawran na kami nakaupo. Sulit naman ang pwesto namin dahil hindi man kami nakaharap sa riverfront ay nakatambad naman sa amin ang napakagandang pavilion ng National Museum of Cambodia. Ginawa ito noong taong 1917 sa tulong ng mga French colonialists. Kapansin-pansin na ang architectural design ay typical Khmer kahit na French ang nagpagawa ng gusaling ito.

Nakakatawag din ng pansin itong nabubulok na gusali sa may bandang kaliwa ng litrato. Isa ito sa mga mansyong naitayo noong panahon pa ng mga French na may istilong rococo. Pag-aari ng isang pribadong indibidwal, ngayon ay nabili na ito ng FCC upang i-restore at gawing isang luxury hotel at French bistro na magiging bahagi ng FCC.

post office closed for KNY
My favorite place — Phnom Penh General Post Office
Ito ang palagi kong binabalik-balikan at di ako magsasawang balikan. Labs ko kasi ang snail mail kaya palagi akong nagpapadala ng sulat at postcards at hindi ako umuuwing empty-handed 🙂 Dito rin pala ang opisina ng Ministry of Posts and Telecommunications.

LP Gusali6
Phnom Penh Railway Station

LP Gusali8
Psah Thmey or Central Market

LP Gusali5
Royal Palace – ang tahanan ng kasalukuyang hari ng Cambodia

LP Gusali2
Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang (lumang gusali ng) Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation. Malapit lang ito sa Royal Palace.

LP Gusali7
Buddhist Institute

9 thoughts on “Litratong Pinoy #30: Gusali (Building)

  1. ganyan din sana sa Pilipinas, mapreserba ang mga lumang gusali para makita ang katangian ng ating bansa. Ganda ng mga gusali nila ano. maligayang LP!

  2. Para na rin akong nag tour sa Thailand sister…hawig ang mga disenyo ng gusali nila

    Natuwa ako sa paborito mo ang post office building- bukod naman kasi sa maganda talaga ay na-share ko pakiramdam mo kapag may inihuhulog na sulat o kinukuha naman.

    have a good weekend, zj!

    Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *