Litratong Pinoy #34: Almusal (breakfast)

Hindi ako mahilig mag-almusal. Ewan ko ba kung bakit. Isa marahil ay ang pagiging malayo ko sa mga mapang-suring mata ng aking Ina nang ako ay nag-aaral pa sa unibersidad. Sa boarding-house kasi ako naka-tira, at, dahil wala ngang parental control, ay nakasanayan ko nang pumasok ng walang almusal-almusal.

Nakasanayan na rin naming mag-asawa ang di mag-almusal sa umaga. Kape lang ay okey na sa amin. Pero noong mga nakaraang taon na ako naka-base pa sa Kep, ay na-engganyo kaming tularan ang mga locals. Sabi nga, when in Rome, do as the Romans do. Kaya naman ay tuwing umaga bago pumasok ay dumadaan kami sa mga kainan para mag-almusal ng kuy teav. Ito ay gawa sa rice noodles at sangkap tulad ng baboy o baka at piling herbs. Masarap ang sabaw na galing sa pinakuluan mga buto-buto.

Heto naman ang isang version ng noodle soup na paborito naming mag-asawa kapag kami ay nasa Kep:

chicken noodle soup

Simpleng chicken noodle soup gamit ang instant noodles, laman ng manok at sari-saring gulay.

Noong pumunta naman ako sa Japan ay sinubukan ko rin ang traditional breakfast nila:

japanese breakfast

Tamago gake gohan ang tawag dito.

14 thoughts on “Litratong Pinoy #34: Almusal (breakfast)

  1. ako rin, i’m so bad for skipping breakfast…dami ko tuloy kumain pag lunch na…haha. brunch na kasi. pero pag sa ibang bahay, nakakapag-breakfast naman ako.

    when in rome, eat as the romans eat! haha. spoken like a true traveler!

  2. Sa mga mahilig mag-noodles kapag almusal, dahan-dahan daw at baka maging singkit ang mga mata natin. Yan ang tukso dito ng mga Pinoy sa akin. E ano ba, masarap kasi ang noodle soup e, di ba?

    Josiet, free breakfast duon sa Kep Lodge, at isa ito sa mga free. Kaya pagnag-overnight tayo dun, siguradong matitikman ninyo ito πŸ™‚

  3. ako rin. ayoko magbreak fast feeling ko malulunod ako sa kabusugan.. coffee lang ok na ok.

    pero si hubby, mahilig sa porridge or noodles. ung kuew teuy na spicy or yung fish porridge…

  4. hindi uso dito sa isang chinese country ang noodles (hehehehe), wala silang kahilig hilig sa noodles… kaya naman kame adopt lang ng adopt ng culture & foods nila ayun pag fud trip kami ng tropa asahan mo sa noodles kami lage bumabagsak….heheheh

  5. when in rome, do what the romans do.. tama ka dyan. di rin ako nag-aalmusal before dahil walang pambili ng masaganang almusal. swerte na ang kape at pandesal.

    love that one from Kep..

  6. Na miss ko tuloy yung breakfast ko nong nandun ako sa Cambdodia–yung lugaw nila taska yong nompang sandwich…tsaka yung local coffee…waaa I need to go back!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *